Dalawang panukalang batas ang nakahain ngayon sa mababang kapulungan hinggil sa substitution ng kandidato.
Ang unang bill ay mula sa Makabayan bloc, ang House Bill 10387 nagbabawal sa substitution ng kandidato sa dahilang pag-atras ng naunang nag-file ng certificate of candidacy.
Nasasaad sa panukala na sinomang kandidatong direkto o hindi direktang nagpahayag na siya ay isa lamang ‘placeholder’ para sa isang kandidato ay prima facie evidence na wala siya talagang intensyong tumakbo sa nasabing posisyon.
Ang isa namang panukalang batas na mula kay Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez, mas mahigpit.
Absolute ban o pagbasura sa substitution ang ipinapanukala para umano wakasan ang pagmanipula at pagyurak sa election proces ng bansa.
Inihain ang dalawang bills sa kamara kasunod na suspetsang si Sen. Ronald Dela Rosa na naghain ng kandidatura pagka-presidente para sa ruling party PDP-Laban ay isa lamang ‘placeholder’ at hindi umano talaga seryosong kandidato.
Nasabi pa kasi kamakailan ni Sen. Dela Rosa na sakaling magpasya si Davao city mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbong pangulo sa 2022 ay handa siyang magbigay-daan dito.
Sa katunayan, ayon pa kay Dela Rosa, kasama siya sa mga kumukumbinsi kay Sara.
Ganito rin umano ang ginawa ng PDP-Laban noong 2016 elections kung saan si ngayo’y DILG undersecretary Martin Dino ang pinaghain ng COC pagkapangulo at kalaunan, bago ang deadline sa substitution, ay umatras para magbigay daan kay noo’y Davao city mayor Rodrigo Duterte.
(NP)
The post Kamara, naghain ng dalawang panukala kontra substitution ng kandidato appeared first on News Patrol.
Kamara, naghain ng dalawang panukala kontra substitution ng kandidato
Source: Trending Filipino News
0 Comments