Nasa 2.7 milyon na ang nagkasakit ng COVID-19 sa bansa mula nang magsimula ang pandemiya noong 2020.
Ngayong araw, October 15, nadagdag ang 7,625 na nagpositibo.
Ito na ang ikatlong araw na nasa 7,000 level ang mga bagong kaso.
Naitala naman ngayong araw ang total active cases na 78,999 o 2.9 percent ng kabuuang bilang ng mga kaso.
Mayroon naman 13,363 na gumaling at 203 na nasawi.
Ngayon araw din sinimulan ang pilot vaccination sa walong ospital sa Metro Manila ng mga nasa edad 12 hanggang 17 anyos o pediatric group.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa ito ay nasa 95.6% 0 2,586,369 na ang gumaling, at 1.49% o 40,224 ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 13, 2021.
Mayroon namang 3 na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Simula bukas, October 16, ipatutupad na ang Alert level 3 status sa Metro Manila dahil sa bumababang bilang ng mga kaso sa NCR.

(NP)
The post Naitalang bagong Covid-19 cases ngayong araw, mahigit pa rin sa 7,000 appeared first on News Patrol.
Naitalang bagong Covid-19 cases ngayong araw, mahigit pa rin sa 7,000
Source: Trending Filipino News
0 Comments