U.S. tech billionaire Elon Musk, maghahatid ng high-speed internet sa Pilipinas

(In photo: Elon Musk)

Ikinakasa na ni American tech billionaire businessman Elon Musk ang kasunduan sa Filipino companies upang makapaghatid ng high-speed internet sa bansa.

Sa ulat ng Philippine Daily Inquirer (PDI), ilalatag ang satellite internet services sa Pilipinas sa 2022 sa partnership ng SpaceX, na siyang aerospace at communications company ni Musk, at ilang Filipino companies.

Ang proyektong Starlink ng SpaceX ay maglulunsad ng libu-libong satellites sa low earth orbit upang serbisyuhan ang mga liblib na lugar sa buong mundo.

Mahalaga ang satellite high-speed internet para sa malalayong lugar na walang fiber lines at cell towers.

Iniulat ng PDI na kabilang sa posibleng Filipino partners ay ang negosyanteng si Arsenio Ng ng Transpacific Broadband Group International.

May hiwalay din umano na kasunduan ang negosyanteng si Dennis Anthony H. Uy ng Converge ICT Solutions at SpaceX, ayon sa source ng PDI.

Magsisimula ang commercial coverage ng Starlink sa Pilipinas sa susunod na taon kung saan ang preorders ay nagkakahalaga ng P5,000 o $99 na kapareho ng presyo ng high-end plans ng local internet service providers, paliwanag ng report.

(NP)

The post U.S. tech billionaire Elon Musk, maghahatid ng high-speed internet sa Pilipinas appeared first on News Patrol.



U.S. tech billionaire Elon Musk, maghahatid ng high-speed internet sa Pilipinas
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments