(In photo: Facebook CEO Mark Zuckerberg)
Inanunsyo ni Facebook CEO Mark Zuckerberg na Meta na ang bagong pangalan ng Facebook parent company.
Ayon sa kumpanya, simbolo ito ng bagong hinaharap ng tech giant sa gitna ng mga pinagdaraanang pagsubok.
“I am proud to announce that starting today, our company is now Meta. Our mission remains the same, still about bringing people together… our apps and their brands, they’re not changing,” ani CEO Mark Zuckerberg sa annual developers conference.
“We’ve learned a lot from struggling with social issues and living under closed platforms, and now it is time to take everything that we’ve learned and help build the next chapter,” dagdag pa ng CEO.
Sa ilalim ng rebranding na ito ng parent company, mananatili pa rin ang pangalan ng Facebook, Instagram at Whatsapp.
Mga pagsubok
Habang sinasalag ng tech giant ang sari-saring krisis, itinutulak naman ng kumpanya ang bagong “metaverse” kung saan ang plano ay patungo sa virtual reality internet.
Dumaraan ang Facebook sa iba’t-ibang problema kabilang ang mga akusasyon ukol sa umano’y invasion of privacy ng users, kakulangan ng aksyon kaugnay sa fake news, at hindi pangangalaga sa mental health ng kabataang gumagamit ng social media.
Samantala, nagbabala naman ang activist group na may pangalang ‘The Real Facebook Oversight Board’ sa umano’y paglabag sa demokrasya at pagpapakalat ng maling impormasyon ng tech giant.
“Their meaningless name change should not distract from the investigation, regulation and real, independent oversight needed to hold Facebook accountable,” ayon sa pahayag ng grupo.
(NP; with report from Toni Tambong)
The post Facebook parent company, tatawagin nang Meta appeared first on News Patrol.
Facebook parent company, tatawagin nang Meta
Source: Trending Filipino News
0 Comments