Covid-19 cases, pumalo sa 3,694, Oct. 28

Naantala na naman ang paglabas ng Department Of Health (DOH) sa COVID-19 bulletin kahapon, Oct. 28.
Imbes sa regular na schedule na alas-4:00 ng hapon, bandang alas-8:30 na ng gabi ito nailabas.
3,694 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala kahapon.

Dahil dyan ay umakyat na sa 2,772,491 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ang Covid-19 cases ngayon ay nasa  ikalawang magkasunod na araw na mas mababa sa 4,000.

Samantala ay mayroon namang naitalang 3,924 na gumaling at 227 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.8% (49,835) ang aktibong kaso, 96.7% (2,680,081) na ang gumaling, at 1.53% (42,575) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 26, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Samantala, ang positivity rate ay naitala sa 8.6 percent base na rin sa resulta ng mga sampol mula sa 50,755  na indibidwal noong Martes.

Ang benchmark ng World Health Organization (WHO) sa positivity rate ay nasa 5 percent and below sa loob ng huling dalawang linggo.

Ang intensive care unit (ICU) bed utilization rate sa Metro Manila at sa buong bansa ay nasa 41 percent at 50 percent.

 

.

The post Covid-19 cases, pumalo sa 3,694, Oct. 28 appeared first on News Patrol.



Covid-19 cases, pumalo sa 3,694, Oct. 28
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments