(File photo)
Umabot lang sa 25 kabataan mula sa 23,727 na may comorbidities ang nabakunahan kontra COVID-19 ang nakaranas ng adverse effect, ayon sa isang health official.
Sa isang online media briefing, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na tatlong kabataan ang nakaranas ng seryosong side effect kabilang ang anaphylaxis o malalang allergy na kinailangan ng injection ng epinephrine at oxygenation.
“’Yung ibang kaso, mild allergies, may konting rashes, may konting sakit sa injection site and many of these, makikita natin sa mga bata even sa measles, rubella [vaccination]”, pahayag ni Cabotaje.
Dagdag pa ni Cabotaje, ang ilang menor de edad na naturukan ay nakaranas ng immunization-related anxiety response tulad ng pagkahimatay at palpitation.
Nakatakda naman isagawa ng gobyerno ang pagbabakuna sa pediatric population na meron at walang comorbidity sa Metro Manila ay sa November 3 at sa November 5 naman sa buong bansa.
Matatandaang unang isinagawa ang pagbabakuna sa edad 12-19 anyos nitong October 15.
Ang phase 2 ng pababakuna ay sinundan nitong October 22.
Ngayong araw, Oct. 29 naman isasagawa ang phase 3 ng pagbabakuna sa pediatric group.
Ayon kay Cabotaje, ang suplay ng bakuna ang isa sa mga rason kung bakit ang pagbabakuna ay naka-schedule sa mga nabanggit na araw.
Dagdag din ng Department of Health (DOH) na bago bakunahan ang mga bata ay kailangan ng clearance mula sa kanilang doctor at consent naman mula sa kanilang mga magulang.
Paalala rin ng DOH na mas mataas pa rin ang benepisyo ng bakuna kumpara sa panganib.
Ang mga edad 12 hanggang 17 anyos ay nasa 12,722,070 indibidwal sa buong bansa.
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 80% ng dalawang doses hanggang sa December.
“Ang binigyan ng Philippine FDA [Food and Drug Administration] ng emergency use authorization to be vaccinated to 12 to 17 years old are Pfizer and Moderna so their intervals are 21 days and 28 days respectively,” paliwanag pa Cabotaje.
(Toni Tambong)
The post 25 kabataang binakunahan laban sa COVID-19, nakaranas ng side effect ayon sa DOH appeared first on News Patrol.
25 kabataang binakunahan laban sa COVID-19, nakaranas ng side effect ayon sa DOH
Source: Trending Filipino News
0 Comments