Lalahok sa virtual summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) si U.S. President Joe Biden ngayong linggo.
Ito ang unang pagkakataon na makikiisa ang pangulo ng Amerika sa ASEAN meeting sa loob ng apat na taon.
Ang huling beses ay noon pang 2017 nang dumalo si dating U.S. President Donald Trump sa ASEAN-U.S. meeting sa Maynila.
Tingin ng ilang analysts, makikiisa ang America sa ASEAN bilang estratehiya sa gitna ng lumalaganap na kapangyarihan ng China, bagamat hindi ito opisyal na binanggit ng White House.
Ayon sa ulat ng Reuters news agency, sinabi ng White House na tatalakayin ni Biden ang mahalagang papel ng ASEAN sa rehiyon at ang suporta ng Estados Unidos.
Tatalakayin din ang iba pang mga krisis sa rehiyon.
“[We will] work together to end the COVID-19 pandemic, address the climate crisis, promote economic growth and address a range of other regional challenges and opportunities,” pahayag ng White House.
Isang virtual summit naman ang ikinakasa sa pagitan nina Biden at Chinese leader Xi Jinping bago matapos ang taon.
(NP)
The post US President Joe Biden, lalahok sa ASEAN summit appeared first on News Patrol.
US President Joe Biden, lalahok sa ASEAN summit
Source: Trending Filipino News
0 Comments