Direktor ng pelikulang Rust, Joel Souza, nagbigay ng ilang detalye sa nangyaring trahedya sa set

(Photo credit: Reuters)

Idinetalye ni Hollywood director Joel Souza ang pangyayari na nauwi sa trahedya sa shooting nila ng pelikulang Rust.

Matatandaang napatay sa insidente ang director of photography ng pelikula na si Halyana Hutchins matapos paputukin ng aktor at co-producer ng pelikula na si Alec Baldwin ang isang prop gun sa set.

Si Souza naman ay nasugatan sa nangyari.

Base sa court affidavit ni Souza at camera operator Reid Russell, nang iabot kay Baldwin ang prop gun na gagamitin sa eksenang kinukunan nila, sinabihan ang aktor na ‘cold gun’ o ‘unloaded’ iyon.

Ibig sabihin ligtas gamitin.

Sa affidavit ni Russell, sinabing naging maingat ang aktor nang iabot ang baril at sinigurong walang mga bata sa tabi niya bago ito paputukin.

Sa rehearsal ng eksena, itinutok umano ni Baldwin ang nasabing baril sa camera.

Magkatabi naman sa likod ng camera sina Souza at Hutchins.

“Joel stated that they had Alec sitting in a pew in a church building setting, and he was practicing a cross draw…Joel said he was looking over the shoulder of [Hutchins], when he heard what sounded like a whip and then loud pop,” saad sa affidavit.

Ayon pa sa dokumento, tinamaan sa may dibdib niya si Hutchins.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Santa Fe Sheriff’s Office sa New Mexico kung saan kinukunan ang pelikula kasabay ng internal investigation ng production company.

Itinigil na muna ang shooting ng pelikula.

(NP/with report from BBC)

The post Direktor ng pelikulang Rust, Joel Souza, nagbigay ng ilang detalye sa nangyaring trahedya sa set appeared first on News Patrol.



Direktor ng pelikulang Rust, Joel Souza, nagbigay ng ilang detalye sa nangyaring trahedya sa set
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments