(Photo: Blackpink FB)
Isang bagong milestone para kay Lisa ng sikat na K-pop group na Blackpink.
Inanunsyo ng YG Entertainment na lumampas na sa 100 million streams ang “Lalisa” track ni Lisa sa audio streaming site na Spotify.
Ni-release ang track nitong September 10, kaya’t sa loob lamang ng 46 days ay naabot ng title track ni Lisa ang miletstone na ito.
Ito ang second fastest track mula sa isang K-pop solo artist na umabot sa higit 100 million streams.
Ang karangalan ng fastest solo song na umabot ng 100 million Spotify streams ay hawak rin ni Lisa para sa kanyang track na “Money” na inabot lamang ng 37 days.
Dahil dito, hawak ni Lisa ang top 2 places sa naturang global streaming platform.
(NP)
The post ‘Lalisa’ track ni Lisa ng Blackpink, 2nd fastest K-pop song na maka-100 M Spotify streams appeared first on News Patrol.
‘Lalisa’ track ni Lisa ng Blackpink, 2nd fastest K-pop song na maka-100 M Spotify streams
Source: Trending Filipino News
0 Comments