Pinangangambahang Delta variant surge, kontrolado, ayon sa DOH

Ipinagmamalaki ng Department of Health na kontrolado ng bansa ang pananalasa ng Delta COVID-19 variant.

“We were expecting talaga na tayo ay magkakaroon ng sobrang taas ng kaso, tayo ay mao-overwhelm, tayo ay magkakaroon ng maraming pagkamatay pero hindi natin naabot ang projected number of cases, hindi natin naabot iyong overwhelmed health systems although nahirapan po talaga tayo,” pahayag ni Vergeire sa online media briefing.

Tinawag ni Vergeire ang insidente na malaking hamon kasabay ng pagmamalaki na nakayang pigilan ng gobyerno ang pagkalat ng variant sa loob ng dalawang buwan.

Ang komento ni Vergeire ay bilang tugon sa pahayag ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na premature na sabihing natalo na ng Pilipians ang Delta variant.

“Hindi naman natin sinasabi natalo na natin ang Delta dahil… 9 out of 10 sequenced here in the country are all Delta variants. Pero ang pinakamaganda, we were able to control, we were able to reduce the number of cases at naiayos natin ang health system natin and that is what’s most important to us,” paliwanag ni Vergeire.

Sa kabuuang bilang, nakapagtala na ang bansa ng 2,761,307 kaso ng COVID-19 mula nang magkapandemya noong 2020.

(Toni Tambong)

 

The post Pinangangambahang Delta variant surge, kontrolado, ayon sa DOH appeared first on News Patrol.



Pinangangambahang Delta variant surge, kontrolado, ayon sa DOH
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments