Face to face classes, tuloy na sa 90 eskwelahan

(File)

Tuloy na tuloy na ang pilot test ng face to face classes sa November 15 sa pampublikong paaralan.

Ito ang inanunsyo ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones kung saan 90 paaralan na ang makibabahagi rito.

Sabi ni Briones, wala pang paaralan mula sa Metro Manila ang makilalahok sa nasabing pilot run ng face-to-face classes.

Sinabi pa ni Briones na 10 paaralan mula Region 1 ang makibabahagi; 10 mula Region 3; lima naman mula sa CALABARZON Region; tatlo galing Bicol; at tatlo rin mula Region 6.

Dagdag pa niya, walong paaralan mula Region 7 ang kasali sa pilot run; 10 mula Region 8; walo mula Region 9; anim galing sa Region 10; walo mula Region 11; lima sa Region 12; at 14 mula sa CARAGA Region.

Nauna nang inanunsyo ng DepEd chief na mas maraming paaralan ang dapat na kabahagi sa pilot run.

Ngunit nagdesisyon ang ilang local government units (LGUs) na hindi tumuloy sa pilot run sanhi ng pabago-bagong risk level ng COVID-19 sa kanilang lugar habang hindi naman nakapasa sa School Safety Assessment Tool ang ilang paaralan.

Nitong nakaraang linggo, inanunsyo na 30 paaralan lamang mula sa inaprubahang 59 ang makasasali sa in-person classes na magsisimula sa Nobyembre 15.

Ito ay mula sa sinuring aplikasyon ng 638 na paaralan.

“So as of now, ‘yung objective natin na maka-reach ng 100 public schools, 90 na ang ating na-identify. Ito sa opinion, hindi lang ng DepEd kundi pati ng DOH,” sabi pa ni Briones.

Tinitingnan ng DepEd ang posibilidad na magkaroon ng 120 paaralan na makikibahagi sa pilot run ng limitadong face-to-face classes.

(Toni Tambong)

The post Face to face classes, tuloy na sa 90 eskwelahan appeared first on News Patrol.



Face to face classes, tuloy na sa 90 eskwelahan
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments