(File photo. Presidential Communications Group)
Hindi na umano kinukumbinsi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tila suko na si Pangulong Duterte na “haranahin ang anak.”
“Ang sabi po ni [Cebu] Governor Gwen [Garcia] sa akin ay ang sabi daw ni Mayor Sara on her possibility of running for President, ‘that ship has sailed.’ So talagang mayor po ang takbo ni Mayor Sara,” ayon kay Roque.
Naging usap-usapan sa social media ang biglaang pagbisita ni Mayor Sara Duterte sa Cebu City nitong weekend.
Makikita ang larawan ng alkalde na suot ang green hoodie na may nakasulat na “Sara All 2022.” Green ang campaign color ng partido ni Inday Sara noong 2019.

(Davao City Mayor Sara Duterte sa Cebu City nitong weekend. Photo courtesy: Mayor Inday Sara Duterte FB)
Habang nasa Cebu, nagkita sina Sara at presidential aspirant Bongbong Marcos sa isang birthday party.

(Davao City Mayor Sara Duterte at presidential aspirant Bongbong Marcos sa birthday party ni Rep. Yedda Romualdez sa Cebu City nitong weekend. Photo: Mayor Inday Sara Duterte FB)
(Toni Tambong)
The post Pangulong Duterte, suko na umano sa pagpapatakbo kay Sara sa pagkapangulo, ayon kay Roque appeared first on News Patrol.
Pangulong Duterte, suko na umano sa pagpapatakbo kay Sara sa pagkapangulo, ayon kay Roque
Source: Trending Filipino News
0 Comments