(Photo: Mores Heramis)
Dinagsa ng mga magpaparehistro ang muling pagbubukas ng voter registration ng Commission on Elections (Comelec) ngayon araw, Lunes, Oct. 11.
Maaga pa lamang ay mahaba na ang pila sa mga satellite mall registration sa Maynila.

Ayon sa Comelec, bukas ang mga registration site mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.
Matatandaang ang voter registration ay pinalawig hanggang Oct. 30 dahil na rin sa panawagan ng karamihan na dapat sana ay hanggang Sept. 30 lamang.
Bagamat naabot na ng Comelec ang target na mga botante para sa May 9, 2022 national at local elections, ang pagpapalawig sa voter registration ay pinagbigyan pa rin.
Sa huling tala ng Comelec nasa 63,364,932 na ang nagparehistro.
(Jocelyn Domenden)
The post Unang araw ng muling pagbubukas ng voter registration sa Maynila, dinagsa appeared first on News Patrol.
Unang araw ng muling pagbubukas ng voter registration sa Maynila, dinagsa
Source: Trending Filipino News
0 Comments