Pilipinang nurse sa New York City, namatay matapos atakihin ng lalaking maysakit sa pag-iisip

(Photo courtesy: Philippine Consulate General in New York FB)

Namatay ang isang filipino health frontliner sa New York City matapos magtamo ng malubhang sugat sa ulo nang mapabagsak ng isang lalaking maysakit sa pag-iisip noong Biyernes, Oct. 8.

Ito ang inihayag ng Philippine Consulate General sa New york ayon sa ulat ng inquirer.net.

“We grieve with the rest of the Filipino Community over the death of our kababayan, Maria Ambrocio, a 58-year-old health frontliner from Bayonne, New Jersey, who is the latest victim of deranged individuals on the loose in New York City,”  saad sa social media post  ng  Philippine Consulate General sa New York.

Ayon sa konsulada, namatay si Ambrocio nang tanggalin na ang kaniyang life support.

Si Ambrocio ay napabagsak ng isang lalaking walang tirahan at sinasabing may diperensiya sa pag-iisip.

“Maria was walking with kababayan near Times Square after visiting the Philippine Consulate General when she was struck by the suspect who was reportedly being chased after grabbing a mobile phone from someone,” pahayag ng konsulada.

Ang naganap kay Ambrocio ang pinakabagong insidente sa serye ng karahasan na ginawa ng mga indibidwal na maysakit sa pag-iisip sa mga miyembro ng Filipino Community sa New York City sa taong kasalukuyan.

Karaniwan sa mga nabibiktima ay mga senior citizen.

Ayon naman sa pamangkin ni Ambrocio na si Michelle Sta. Maria Magalona na ang homeless man ay nasa kustodiya na ng pulis.

“Nahuli siya kasi nung nabangga niya si Tita, he was running kasi nanghablot siya ng cellphone.  After a few blocks, nahuli naman siya and nasa custody naman ng police now,” pahayag ni Magalona sa panayam ng Teleradyo.

Panawagan naman ng konsulada sa mga otoridad na gumawa ng mahahalagang hakbang kabilang na ang heightened police visibility para protektahan ang publiko matapos ang sunud-sunod na kaso ng anti-Asian hate na kabilang ang mga Pilipino.

“We also supported call for authorities to take the necessary measures to address mental health issues, especially among the homeless. We reiterate these calls as we mourn our loss but we also asko ourselves: How many more Maria Ambrocios do we have to mourn before the streets would be made safe again?” dagdag pa ng konsulada.

Magsasagawa  ng isang memorial mass ang konsulada para kay Ambrocio ngayon Lunes, Oct. 11.

(NP)

The post Pilipinang nurse sa New York City, namatay matapos atakihin ng lalaking maysakit sa pag-iisip appeared first on News Patrol.



Pilipinang nurse sa New York City, namatay matapos atakihin ng lalaking maysakit sa pag-iisip
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments