Vaccination sa “General adult population” simula na bukas, Oct. 12

Bukas na, Oct. 12,  ang simula ng pagbabakuna laban sa coronavirus disease sa  general adult population sa bansa o mga may edad 18 pataas.

Base ito sa inilabas na Department Circular no. 2021-0449 ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

Sinabi rin ni Vergeire na inihayag ni vaccinecCzar Carlito Galvez Jr. na may sapat na suplay na ng bakuna sa bansa.

Pero paglilinaw ng opisyal, nananatiling prayoridad pa rin sa pagbabakuna ng mga A2 o Senior Citizen at A3 o may comorbidity.

Kailangan aniyang mabigyan ng karagdagang proteksyon ang nasa A2 at A3 dahil sila ang mas vulnerable o may mas malaking panganib mula sa severe symptoms ng Covid-19.

Kaugnay nito, hinikayat ni Vergeire ang mga nakatatanda at mga may comorbidity na magpabakuna na bilang proteksyon laban sa sakit.

(Jocelyn Domenden)

The post Vaccination sa “General adult population” simula na bukas, Oct. 12 appeared first on News Patrol.



Vaccination sa “General adult population” simula na bukas, Oct. 12
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments