(Photo credit: Nobel Prize FB)
Nanatiling tahimik ang Malakanyang para sa kauna-unahang Nobel Peace Prize ng Pilipinas na iginawad sa veteran journalist na si Maria Ressa, CEO ng Rappler.
At maging ang senado, hati ang opinyon tungkol sa pagbibigay kay Maria Ressa ng pinakamataas na parangal na Senate Medal of Excellence, ayon sa report ng Inquirer.
Mayroon kasing magkasalungat na opinyon ang dalawang senador, sina Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Minority Leader Franklin Drilon.
Magkaiba ang kanilang interpretasyon sa Senate resolution na nagbibigay ng highest award sa mga Pilipino na may outstanding merit gaya ng pagkapanalo sa Nobel peace prize, Pulitzer Prize, ang A.M. Turing Award, Ramon Magsaysay Award o ang Olympics.
Sa ipinadalang mensahe ni Drilon sa Inquirer, iginiit niya na si Ressa ay nabigyan ng parangal ng Norwegian Nobel Committee para sa kanyang katapangan dahil sa paglaban at pagtindig laban sa Duterte administration at sa mga pag-atake nito sa press freedom.
Kaya para sa kanya, dapat ay “automatic” na bibigyan ito ng parangal ng senado kapag nag-resume na ang Senate session sa November 8.
“It’s automatic per [the resolution]. Debates will also confirm my interpretation,” sabi pa ni Drilon,
Pero sinabi naman ni Zubiri na ayon sa amendment ni Drilon sa Senate Resolution No. 110 na siyang nagtatag ng Senate medal, kailangan pang pagbotohan ito at kinakailangan na uninamous ang desisyon.
Pero tila mahihirapan ito dahil na rin sa mga kaalyado ni President Duterte sa senado.
Si Ressa ang kauna-unanhang Pinoy Nobel Peace Prize winner.
Pero ang kanyang karangalan ay tila hindi nagbibigay ng magandang impresyon sa Duterte administration ngayon.
“It does place the Duterte administration in a very awkward situation considering how it has repeatedly attacked Rappler and filed all sorts of bogus cases against her,” sabi naman ni Sen. Francis Pangilinan.
Ayon kay Zubiri, bagamat naniniwala siya na ang sinumang Pilipino na makakukuha ng Nobel award ay nararapat lamang na bigyan ng Senate recognition, sinabi pa rin niya na kailangan ang “approved rules” para sa pagbibigay ng award o parangal.
“We can take this up when we get back in November. [The conferment on Nobel winners] should have been automatic; however, there is a Drilon amendment that states it’s upon the unanimous vote of all members, so if nobody objects then it is automatic. That’s in the approved rules,” dagdag pa ni Zubiri.
Pero iginiit naman ni Senator Drilon na maliwanag naman na, “the Senate medal shall be “conferred upon Filipinos who are awarded the Nobel Prize, Pulitzer Prize, the A.M. Turing Award, the Ramon Magsaysay Award, or an Olympic medal.”
Samantala, para naman kay Senate President Vicente Sotto III, na umaayon sa interpretasyon ni Zubiri, na ang Senate medal para kay Ressa ay hindi madaling maibibigay.
“Then it will have difficulty because based on our agreed rule, there must be unanimity before any conferment of the Senate medal of excellence,” dagdag pa ni Sotto.
Si Maria Ressa ay kilalang kritiko ng Duterte Administration.
Ayon sa Nobel Prize, iginawad ang parangal kay Ressa dahil sa kanyang pagtataguyod sa kalayaan sa pamamahayag at pagsisiwalat ng pang-aabuso sa kapangyarihan.
Kabilang na dito ang mga ulat ng Rappler tungkol sa “controversial, murderous anti-drug campaign” sa ilalim ng Duterte Administration, ang paggamit sa social media para sa pagpapalaganap diumano ng “spread fake news, harass opponents and manipulate public discourse.”
Samantala, ang kasamang nanalo ni Ressa, si Russian journalist Dmitry Muratov na kritiko ni president Vladimir Putin, tumanggap na ng pagbati mula sa Russian government.
The post Senado, hati sa pagbibigay ng parangal kay Maria Ressa matapos gawaran ng Nobel Peace prize award appeared first on News Patrol.
Senado, hati sa pagbibigay ng parangal kay Maria Ressa matapos gawaran ng Nobel Peace prize award
Source: Trending Filipino News
0 Comments