Natukoy pa ang karagdagang 411 kaso ng Delta variant na umabot na sa 3,798 hanggang nitong Oct. 8.
Ito ay matapos isagawa ang biosurvellaince ng Philippine Genome Center (PGC).
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire na mula sa 16,399 na samples na nasequence ng PGC ay nasa 14,517 ang may lineage.
Nalaman din ang iba pang mga variant of concerns ng COVID-19 sa bansa.
Kabilang sa mga samples na ito ang ilan pang hindi nasequence noong April, March, August at September 2021.
Ang Alpha variant ay may 88 kaso na umabot na sa 2,935 kaso.
Nadagdag naman ang 78 kaso sa Beta variant na may kabuuan bilang na 3,307.
Naitala rin na mula sa mga natukoy na variant of concerns, 946 ay mula sa dumating na international travelers.
(Jocelyn Domenden)
The post Dagdag na 411 kaso ng Delta variant, natukoy pa ng DOH appeared first on News Patrol.
Dagdag na 411 kaso ng Delta variant, natukoy pa ng DOH
Source: Trending Filipino News
0 Comments