UN human rights chief, hinimok ang Pilipinas na ilabas ang drug war review findings

(Photo courtesy: hrw.org)

Hinimok ng pinuno ng United Nations (UN) human rights ang gobyerno ng Pilipinas na ilabas ang findings ng drug war review panel ng bansa.

Ayon kay UN High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet, noong Pebrero inihayag ng Secretary of Justice sa UN Human Rights Council (UNHRC) ang ilang preliminary findings ng inter-agency review panel.

Tinukoy dito ang 52 kaso na kinasasangkutan ng 154 police officers na iniimbestigahan kung may criminal liability.

“I encourage publication of the panel’s findings so its work can be evaluated,” pahayag ni Bachelet.

Tinutukoy din ni Bachelet ang dalawang pag-aaral na pinamunuan ng Department of Justice na ang ulat ay hindi pa rin inilalabas.

Ang preliminary findings nito ay inilahad ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa UNHRC.

Sinabi ni Guevarra na nabigo ang mga operatiba na sundin ang standard protocols sa mahigit kalahati sa mga kaso, at ang mga armas ng mga nasawing drug war suspect ay hindi nasuring mabuti.

Ayon naman kay Justice Undersecretary Adrian Sugay, lumalabas na mayroon kakulangan sa scene of the crime (SOCO) reports, paraffin tests at ballistics test.

Dagdag ng undersecretary, may pagkukulang ang mga pulis na alamin kung sino ang may-ari ng mga nakuhang armas sa mga namatay na drug suspect na sinasabing lumaban sa mga otoridad.

Ayon pa kay Sugay, batay sa paraffin tests, walang nakitang gunpowder nitrates sa kamay ng mga napatay na suspects.

Sa kabila nito, wala pa ring inilalabas na opisyal na pahayag ang DOJ sa panibagong findings sa pagsusuri, at ipagpapaliban sa desisyon ng tanggapan ng Presidente kung ilalabas ang ulat.

ICC jurisdiction

Samantala, ayon sa prosecutor ng International Criminal Court (ICC), may hurisdiksyon ang nasabing intergovernmental organization kaugnay sa sinasabing crime against humanity na nagaganap sa Pilipinas.

Sa kabila ito ng pagkalas ng bansa sa treaty na bumuo sa ICC.

Iniimbestigahan ng ICC prosecutor ang war on drugs at patayang naganap sa Pilipinas kabilang sa Davao City.

Ayon kay Karim Khan, prosecutor ng ICC, kabilang dito ang naganap na patayan mula 2011 hanggang 2016, kung saan si Pangulong Duterte ay nagsilbing mayor at vice mayor ng Davao City.

“My investigation will seek to uncover the truth and aim to ensure accountability,” pahayag ni Khan.

“In doing so, we aim to bring justice to the victims and affected communities and count on the support and cooperation of States Parties, civil society and other partners,” dagdag ni Khan.

Ayon naman sa Malakanyang, wala nang hurisdiksyon ang ICC kay Pangulong Duterte at sa sinasabing war on drugs dahil ang bansa ay hindi na bahagi ng ICC.

Giit pa ng Malakanyang, hindi makikipagtulungan ang gobyerno sa kahit anong imbestigasyon.

 

 

 

 

 

 

The post UN human rights chief, hinimok ang Pilipinas na ilabas ang drug war review findings appeared first on News Patrol.



UN human rights chief, hinimok ang Pilipinas na ilabas ang drug war review findings
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments