DOH at NTF, pumalag sa report ng Nikkei Asia COVID recovery

Pumalag ang Dept. Of Health (DOH) at ng National Task Force Against (NTF) COVID-19 ang pagiging kulelat ng Pilipinas sa report Nikkei Asia COVID recovery index.

Kinuwestyon din ng DOH ay ang methodology na ginamit ng Nikkei para sa nasabing pag-aaral.

Ayon kay health secretary Francisco Duque III, imbes ang sinukat ng Nikkei ay ang sitwasyon mula sa simula ng pandemiya, ang pinagbasehan umano ng study ay ang pitong araw lamang na average noong nakaraang buwan.

“Pinag-aaralan natin, dahil unang-una, they are comparing apples and oranges eh. ‘Yung mga bansa na in-assess nila, wala nang surge. Samantalang tayo, pababa pa lang,” ayon kay Duque.

“Kung cumulative ‘yung ginawa nilang pagsusuri, we would have scored higher. Ibig sabihin, from the very start ‘til today. Ang ginawa nila, bumilang lang sila ng 7-day moving average.”

Ayon naman kay NTF chief at vaccine czar Carlito Galvez, Jr., “skewed” o lihis ang report dahil ang Nikkei ay isang business-oriented organization.

“Hindi nila binasehan ang (COVID-related) death… Ang ating death rate is only 1.5 to 1.7… Ang karamihan sa global natin is 2.3. Mali ‘yung kanilang ginagawang sistema ng analysis…. Kulang ang data nila… Skewed ang kanilang analysis,” ayon kay Galvez.

Gayunman, ayon kay Duque, pag-aaralan pa ulit ng DOH ang inilabas na report nng Nikkei Asia.

“We will validate the findings and we will write them a letter if we see that there is something wrong with the methodology. Kasi baka may problema sa methodology,” saad ni Duque.

Pero ayon naman kay dating health secretary Esperanza Cabral, dapat aminin ng DOH na nagkulang talaga ito sa pagtugon sa pandemiya.

Naniniwala si Cabral na tama ang report ng Nikkei kung saang pang-121 ang Pilipinas sa 121 na bansa na kanilang ni-rate kaugnay ng COVID-19 recovery.

“Palagi na lang tayong nasa bottom of the barrel. Nakakahiya na at nakakalungkot,” ayon kay Cabral.

The post DOH at NTF, pumalag sa report ng Nikkei Asia COVID recovery appeared first on News Patrol.



DOH at NTF, pumalag sa report ng Nikkei Asia COVID recovery
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments