Fully vaccinated na mga Pinoy, pwede nang bumiyahe sa UK simula Oct. 11

(London Heathrow Airport. Photo courtesy: Pixabay)

Aalisin na ng United Kingdom ang Pilipinas at ilan pang bansa mula sa travel red list nito simula Oct. 11. Ito ang inanunsyo ng UK government nitong Huwebes.

Ibig sabihin, ang mga fully vaccinated na Pilipino ay maaari nang bumiyahe sa UK para bisitahin ang kanilang pamilya at mga kaibigan. Hindi na nila kailangan ang requirements tulad ng pre-departure COVID-19 test, sampung araw na quarantine at post-arrival COVID-19 test.

Pero kailangang ang mga biyahero ay fully vaccinated na sa loob ng 14 days bago pa dumating sa UK.

Ang mga aprubadong bakuna para makapasok sa UK ay:

  • Oxford/AstraZeneca
  • Pfizer BioNTech
  • Moderna
  • Janssen

Sinabi pa ng UK government na kinikilala rin nila ang formulation ng ibang mga bakuna kontra Covid-19 gaya ng AstraZeneca Covishield, AstraZeneca Vaxzevria at Moderna Takeda.

Kailangan lamang magprisinta ng mga bakunadong biyahero ng proof of vaccination o vaccination certificate.

Pero kahit ano pa man ang vaccination status ng mga biyahero, ang lahat ng darating sa UK ay kailangang sumailalim sa Day 2 COVID-19 test at kumpletuhin ang kanilang passenger locator form.

Ang sinumang darating sa UK mula sa Pilipinas bago ang October 11 ay kailangang sumunod pa rin sa red list rules.

Nagsimulang ipatupad ng UK ang bagong travel system sa simula pa lang ng October.

Mananatili naman sa red list ang mga bansang Panama, Colombia, Venezuela, Peru, Ecuador, Haiti at Dominican Republic hanggang sa October 11.

 

The post Fully vaccinated na mga Pinoy, pwede nang bumiyahe sa UK simula Oct. 11 appeared first on News Patrol.



Fully vaccinated na mga Pinoy, pwede nang bumiyahe sa UK simula Oct. 11
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments