Posibleng payagan na ang face-to-face classes sa National Capital Region kapag ibinaba na ito sa alert level 2, ayon sa Department of Health (DOH).
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagkasundo sa Malacanang briefing ang DOH at Department of Education (DepEd) na tanging mga “low or minimal risk” na lugar lang ang papayagang magpatupad ng in-person classes.
“For example, if NCR will be able na bumaba na ang mga kaso, bumaba na rin ang hospitalization, at mapunta na rin sa alert level 2, makakasama na (ito sa face-to-face classes),” pahayag ni Vergeire.
Nasa ilalim ng alert level 4 ang NCR hanggang October 15.
Pilot implementation
Nitong Miyerkules, October 6, sinabi ng DepEd na 59 public schools ang kabilang sa pilot implementation ng face-to-face classes na magsisimula sa November 15 hanggang December 22.
Ito ay piling eskuwelahan sa lalawigan ng Masbate, Aklan, Cebu, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, Lanao del Norte, Sarangani at North Cotabato.
Samantala, tinitingnan din ang posibilidad ng pagpapatupad ng face-to-face classes sa mga lugar na low risk sa COVID-19 sa NCR kahit ang buong rehiyon ay nasa alert level 4.
“Halimbawa, sa NCR, mayroong isang barangay o isang lugar na may eskuwelahan at nakita po natin na mababa iyong risk niya, kahit iyong buong NCR ay nasa alert level 4, maaari po nating isama iyon.”
(Toni Tambong)
The post Face-to-face classes sa NCR, posibleng payagan sa ilalim ng alert level 2 appeared first on News Patrol.
Face-to-face classes sa NCR, posibleng payagan sa ilalim ng alert level 2
Source: Trending Filipino News
0 Comments