(Photo: Si Ang Probinsiyano Party List Rep. Alfred Delos Santos)
Tuloy ang mga programang magbibigay ng mga proyekto para iangat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka, mangingisda at marginalized groups saan mang probinsiya sa Pilipinas.
Noong Biyernes, October 1, unang araw ng paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa 2022 elections, isa ang Party List na Ang Probinsiyano sa mga nag-file para sa ikalawang termino sa Kongreso.
Kabilang sa opisyal na listahan ng mga nominado ng Party List ay sina Rep. Alfred Delos Santos, Carolyn Lapid, Edward Delos Santos, Michael Chua at Jay Dela Cuesta.
Nagpapasalamat ang party list sa tiwalang ibinigay sa kanila para makapaglingkod at maipatupad ang kanilang mga proyekto sa bawat probinsiya sa bansa.
“It has been a very fruitful and most rewarding two years for Ang Probinsyano Party List. Hindi po namin sinayang ang mga boto niyo sa unang pagkakataon naming magsilbi sa bayan. Mula sa mga makabuluhang batas, hanggang sa mga proyekto at programa para maibsan ang mga problema sa kamaynilaan at malalayong probinsya. Pinanindigan po namin ang aming tungkulin na maging tunay na representative ng mga probinsyano. Ang mga darating na taon ay mas lalong magiging challenging para sa susunod na gobyerno, kaya nais naming ipagpatuloy na tumulong sa economic and health rehabilitation mula sa mga challenges nitong pandemya,” pahayag ni APPL Rep. Alfred Delos Santos.
The post Ang Probinsyano Party List, tatakbo sa ikalawang termino sa Kongreso appeared first on News Patrol.
Ang Probinsyano Party List, tatakbo sa ikalawang termino sa Kongreso
Source: Trending Filipino News
0 Comments