Pumalo na sa mahigit sampung libo ang kaso ng Covid-19 ngayong araw.
Mula sa mahigit siyam na libong kaso lamang kahapon, ngayon, October 7, ay nagtala ang Department of Health ng 10,019 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Dahil dyan ay umakyat na sa 2,632,881 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Mayroon namang 7,425 na gumaling at 109 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.4% (115,328) ang aktibong kaso, 94.1% (2,478,616) na ang gumaling, at 1.48% (38,937) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 5, 2021.
Mayroon namang 4 na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Ipinaliwanag din ng DOH na bukas, Biyernes ay magbibigay sila ng hiwalay na report tungkol sa mga karagdagang bilang ng namatay.
Matatandaang noong mga nakaraang araw ay walang naitalang patay sa Covid-19 Daily Bulletin ng DOh dahil sa technical issues sa COVIDKaya data system.
Ang daily positivity rate naman o percentage ng tao na nagpositibo kada araw ay nanatili sa 18.1% base sa 56,418 tests na ginawa noong October 5.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site ng DOH: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

The post Kaso ng Covid-19 ngayong araw, pumalo sa 10,019 appeared first on News Patrol.
Kaso ng Covid-19 ngayong araw, pumalo sa 10,019
Source: Trending Filipino News
0 Comments