Tinira ni Senator Antonio Trillanes IV si presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno sa mga pahayag ng alkalde sa pagtakbo ni Vice President Leni Robredo sa pagka-pangulo.
Kaugnay ito sa pasaring ni Isko kay VP Leni ukol sa sinabing dahilan ng bise presidente sa kanyang pagtakbo ay ang posisyon ng Manila Mayor sa usaping Marcos.
Ayon kasi kay Isko, hindi naman usaping Marcos at Aquino lang ang dapat pagtuunan bagkus ay ang kapakanan ng 110 milyong Pilipino.
Sa pasaring naman ni Trillanes, sinabi niyang kailanman ay hindi talaga naging oposisyon si Isko.
“He (Moreno) was never with us from the beginning. All this projection that he could be sold as part of the opposition is just a front. And that he was just trying to play both sides of the political aisle,” anang dating senador sa panayam ng ABS-CBN News Channel, ANC.
“That’s what I’ve been telling that he was never with us in the opposition. Because kung nasa opposition ka, you wouldn’t even utter those words, much less to the Vice President.”
Tinutukoy dito ni Trillanes ang pagbanggit ni Moreno ng salitang “yellowtards” na tumutukoy sa mga supporter ng pamilya Aquino at sa Liberal Party.
Giit ni Trillanes, na tatakbo uling senador, ang mga taong nagsasabi lang nito ay mga die-hard Duterte supporter.
“You would have to be a die-hard Duterte supporter for you to even come up with such words. Maliwanag na sa lahat na, all that illusion that this guy is in the middle and courting the moderates, wala ‘yun. Pagpapanggap ‘yun. So, I’m glad na nag-out na siya this early,” ani Trillanes na kilalang bumabatikos sa Pangulo.
“You can see that it’s going to be part of their propaganda or vilification campaign against the Vice President,” dagdag pa ni Trillanes.
Ayon pa kay Trillanes, ang apg-idolo ni Isko sa yumaong diktador Ferdinand Marcos ay isa nang malinaw na red flag.
“Kung ina-idolize niya ‘yung diktador na Marcos, ‘yun din ang mangyayari ‘pag nakaupo na siya. Gagamitin din niya ‘yung mga taktika na ginamit ni Marcos nung panahon ng martial law.”
Sa nakaraang interbyu kasi ni Isko sa Rappler sinabi niya na iniidolo niya ang pagiging visionary ng yumaong diktador, pero taliwas at kinokondena niya ang mga nangyaring pang-aabuso sa panahon ng Martial Law.
(Toni Tambong)
The post Trillanes kay Isko: ‘Pekeng’ oposisyon appeared first on News Patrol.
Trillanes kay Isko: ‘Pekeng’ oposisyon
Source: Trending Filipino News
0 Comments