Umakyat na sa 2,654,450 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ng 11,010 na bagong kaso ng Covid-19 ang Department of Health ngayong araw, October 9, 2021.
Sa loob ng limang magkakasunod na araw ay nakitaan ng pagtaas ang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Samantala, mayroon namang naitalang 22,529 na gumaling at 273 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.0% (106,558) ang aktibong kaso, 94.5% (2,508,387) na ang gumaling, at 1.49% (39,505) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 7, 2021, habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Sinabi naman ni DOH Undersecretary sa Laging Handa public briefing ngayong Sabado na karamihan sa mga rehiyon sa bansa ay nagpakita na ng negative two-week growth, kabilang na ang Metro Manila at Calabarzon.
Samantala, mayroon pa ring ilang rehiyon na kabilang sa high risk tulad ng CAR, Cagayan Valley, Zamboanga Peninsula at Mimaropa.

The post 11,010 na bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong araw; bilang ng nagkasakit, muling tumataas appeared first on News Patrol.
11,010 na bagong kaso ng Covid-19, naitala ngayong araw; bilang ng nagkasakit, muling tumataas
Source: Trending Filipino News
0 Comments