Gamot kontra Covid-19 na Ronapreve, pwede nang gamitin sa bansa

Magagamit na sa Pilipinas ang anti-COVID-19 drug na Ronapreve.

Ito ay matapos bigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ang nasabing gamot.

“The EUA was only released last week, October 1. We also informed the applicant and DOH (Department of Health) that this has been given an emergency use authorization,” sabi ni FDA Director-General Eric Domingo.

Ang Ronapreve ay isang monoclonal antibody drug para makaiwas at malabanan ang SARS-CoV-2 virus na makikita sa Covid-19.

Ito ay maaring gamitin sa mga pasyenteng mula 12 anyos pataas at may minimum na timbang na 40 kilograms.

Magsasagawa naman ng “health technology assessment” ang gobyerno bago umorder ng naturang gamot.

“Kapag nagawa na nila ‘yong guidelines at makapag-desisyon doon siya magiging available,” sabi pa ni Domingo.

Nilinaw pa ni Usec. Domingo na ang EUA ay katulad lamang ng sa bakuna na inaaprubahan para sa emergency use at hindi katumbas ng market authorization.

Ibig sabihin ay hindi pa ito maaaring ibenta sa bansa at tanging ang gobyerno pa lamang ang pinapayagang bumili nito.

“This is not a marketing authorization. It cannot be sold in the market yet. Only the government and ‘yung ating COVID-19 program, ‘yun lang ang makakabili, at kapag nagawa na nila ang guidelines at nakapagdesisyon, doon siya magiging available.”

Ayon pa sa ulat, ang Japan ang unang bansang nag-apruba ng nasabing gamot panlunas sa moderate COVID-19 infections noong July.

Samantala, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pinag-aaralan na ng Philippine COVID-19 Living CPG Reviewers  group of medical societies ang naturang gamot.

“Ngayon, ‘yung mga hospital naman can procure on their own as long as the DOH can provide the recommendation already.”

“We have different processes. Hindi lang EUA ang titingnan. Titingnan din ang rekomendasyon ng DOH dahil ito ay pinag-aaralan din ng ating mga eksperto kung ito ay makabubuti sa panggagamot natin ng COVID-19,” dagdag pa ni Vergeire.

(Toni Tambong)

The post Gamot kontra Covid-19 na Ronapreve, pwede nang gamitin sa bansa appeared first on News Patrol.



Gamot kontra Covid-19 na Ronapreve, pwede nang gamitin sa bansa
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments