Nagpositibo sa COVID-19 si Davao City Mayor Sara Duterte.
Ito ang inanunsyo ng kanyang opisina kagabi, October 9.
Sa statement ng Office of the Davao City Mayor, sinabi rito na si Mayor Sara Duterte-Carpio ay mayroong mild symptoms at kasalukuyang naka-isolate.
Humihingi din ng privacy ang kanyang pamilya.
“The family requests for complete privacy at this time and respectfully urge the public to refrain from sending tokens for well wishes,” sabi pa ng opisina ni Mayor Sara.
Ayon pa sa pahayag ng opisina ni Mayor Sara, pinapayuhan ang lahat ng kanyang mga nakasalamuha o naging close contact sa nakaraang 14 days na mag-self-monitor para sa anumang sintomas.
Sinabi rin sa pahayag na magpa-RT-PCR test agad sila pagkatapos ng 5-7 days na siya ay nakasalamuha.
Hindi naman nabanggit ng opisina ni Duterte-Carpio kung naka-close contact niya ang kayang ama na si President Rodrigo Duterte sa nakaraang 14 days.
(NP)
The post Davao City Mayor Sara Duterte, nagpositibo sa Covid-19 appeared first on News Patrol.
Davao City Mayor Sara Duterte, nagpositibo sa Covid-19
Source: Trending Filipino News
0 Comments