Mga bata, posibleng payagang lumabas sa holiday season kung bababa pa ang kaso ng COVID-19

(File)

Posibleng makalabas na ng bahay ang mga bata sa holiday season sa December kung magpapatuloy ang pagbaba ng mga kaso ng Covid-19 at kung mayroon na silang bakuna.

Ito ay ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Pero ayon kay Vergeire pag-uusapan pa ito ng mga eksperto at mga miyembro ng  Inter-Agency Task Force (IATF) .

Uunahin sa roll out ng bakuna para sa pediatric groups ang mga edad 12-17 na may comorbidity.

“Tinitingnan po natin kung masisimulan ang pagbabakuna sa mga may comorbidity sa mga kabataan, kung ating ma-stabilize ang suplay ng bakuna, may posibilidad,” pahayag ni Vergeire.

Samantala, umaasa ang Department of Health (DOH) na magkakaroon ng mas maluwag na classification at restrictions sa bansa sa darating na Christmas season.

Sinabi ni Vergeire na base sa projection, pababa na ang mga kaso pagdating ng November 15.

Kung titingnan aniya ang daily case o kaso kada araw, ang posibleng kaso sa November 15 sa NCR ay nasa average na 1,000-1,100 kada araw.

Ang pagbaba ng mga kaso ay dahil sa ipinatutupad na mga lockdown o alert  levels upang makontrol ang pagkalat ng sakit at pagtaas ng mga kaso sa Metro Manila.

Matatandaan na simula noong September ay nagpatupad ng Alert level systems sa Metro Manila upang unti-unting makapagbukas ang mga negosyo sa bansa.

(Jocelyn Domenden)

The post Mga bata, posibleng payagang lumabas sa holiday season kung bababa pa ang kaso ng COVID-19 appeared first on News Patrol.



Mga bata, posibleng payagang lumabas sa holiday season kung bababa pa ang kaso ng COVID-19
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments