(Photo courtesy: Sylvia Sanchez FB)
Pinangunahan nina Sylvia Sanchez at JM de Guzman ang roster of winners sa 34th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for TV kagabi, Oct. 17.
Nagwagi bilang Best Drama Actress si Sanchez habang si de Guzman naman ang itinanghal na Best Drama Actor para sa kanilang pagganap sa series ng “Pamilya Ko” ng ABS-CBN production.
Samantala, nagwagi naman bilang Best Drama Supporting Actor si Roderick Paulate para sa romantic comedy na “One of the Baes”.
Si Aiko Melendez naman ang Best Drama Supporting Actress para sa show na “Prima Donnas”.
Binigyan din ng parangal ang Talk Show host na si Boy Abunda na nakatanggap ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award.
Iginawad naman sa broadcaster na si Korina Sanchez ang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award.
Samantala, sa kabila ng pagkakawala ng franchise, itinanghal pa rin ang ABS-CBN bilang Best TV Station.
Ang 34th PMPC Star Awards for Television ay ginanap virtually at napanood sa streaming app Rad.
(NP)
The post Sylvia Sanchez, JM de Guzman at ABS-CBN, wagi sa PMPC Star Awards for TV appeared first on News Patrol.
Sylvia Sanchez, JM de Guzman at ABS-CBN, wagi sa PMPC Star Awards for TV
Source: Trending Filipino News
0 Comments