Mga biktima ng Marawi siege, may bago nang matitirhan

(Photo courtesy:  PNA)

Mahigit apat na taon na mula nang maganap ang madugong bakbakan sa pagitan ng teroristang Maute Group at pwersa ng gobyerno sa Marawi City.

Libu-libong pamilya ang apektado sa pagkawasak ng kanilang bahay at ikinabubuhay.

Isa na rito ang pamilya ni Norhaima Ditucalan na kasalukuyang nakikitira sa bahay ng kaniyang lolo at lola sa Ditsaan Ramain, Lanao del Sur na may 10 kilometro ang layo sa Marawi City.

Si Norhaima kasama ang tatlong kapatid ay dating nanirahan sa tatlong palapag na bahay sa Bgy. Datu Naga.

Ang nasabing barangay ang pinaka-apektadong lugar ng 2017 siege.

Dahil dito, lumikas ang pamilya ni Norhaima sa bahay ng kaniyang lolo at lola.

Simula ng bagong pamumuhay

Nitong Biyernes, Oct. 15, nililinis na ng pamilya Ditucalan ang housing unit sa Bgy. Gadongan.

Isa ito sa 250 permanent shelters na itinayo ng United Nations Human Settlements Programme (UN Habitat) at National Housing Authority (NHA).

Ang 150 units ay itinayo gamit ang pondo mula sa Japanese government habang ang 100 units naman ay binuo ng NHA kung saan binili at dinevelop ang lupa.

Ayon kay Norhaima, ang bagong 90-square meter na bahay ay mas maliit kumpara sa dati nilang tirahan.

Pero, mas mainam na ito dahil wala na ang pasanin ng kanilang lolo at lola na kumupkop sa kanila.

“I have six children and it is not good to give my grandparents a noisy environment. I wanted to continue my small store here in my new house using the 73,000 cash assistance from the government,” pahayag ni Norhaima.

Samantala, naigawad na rin ng UN-Habitat ang permanenting tirahan sa mga apektadong pamilya sa Hadiya Village Phase 1 na may 109 units at Phase 2 na may 120 units sa Bgy. Dulay West.

May ipinamahagi rin 50 units sa Pamayandeng Ranao Residences sa Bgy.  Mipantao-Gadongan.

Ayon pa sa UN agency, ang karagdagang 910 permanenteng bahay ay matatapos sa December 2021 sa limang resettlement sites.

(NP)

The post Mga biktima ng Marawi siege, may bago nang matitirhan appeared first on News Patrol.



Mga biktima ng Marawi siege, may bago nang matitirhan
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments