May dagdag-singil na P1.50 kada litro sa presyo ng diesel, nasa P1.80 kada litro naman sa gasolina at P1.30 kada litro sa kerosene.
Ipatutupad mamayang 12:01 ng hating gabi ng Caltex ang karagdagang presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.
Magpapatupad naman ang mga kumpanyang PTT Philippines, Seaoil, Pilipinas Shell, PetroGazz, Petron, Flying V at Phoenix Petroleum Philippines ay magpapatupad ng dagdag-singil bukas ng 6:00 ng umaga habang ang Unioil ay 6:01 ng umaga.
Ang Cleanfuel ay 4:01 naman ng hapon ipatutupad ang karagdagang singil.
Ito na ang ikawalong linggong magtataas ang mga kumpanya ng langis.

Mula Aug. 31 hanggang Oct. 19 ay aabot na ang dagdag-singil sa mga sumusunod na produktong petrolyo: diesel – P8.65/litro; gasoline- P7.20/litro; kerosene – P8.05/litro.
Samantala, ngayon araw, Oct 18, umakyat din sa pinakamataas ang presyo ng pandaigdigang langis sa loob ng maraming taon habang patuloy ang demand para makabawi mula sa COVID-19 pandemic.
Ang Brent crude oil ay tumaas ng 87 cents o 1% na may halagang $85.73 ang isang barrel ng 0111 GMT, ito na ang pinakamataas na presyo mula October 2018.
Ang U.S. West Texas Intermediate (WTI) crude naman ay pumalo sa $1.12 o 1.4% na may halagang $83.40 bawat barrel na pinakamataas naman mula October 2014.
“Easing restrictions around the world are likely to help the recovery in fuel consumption,” pahayag ng isang Analyst mula sa ANZ Bank.
Makatutulong ang gas-to-oil switching sa power generation para palakasin ang demand ng 450,000 barrels kada araw sa fourth quarter.
(NP)
The post Isa pa uling big time oil price hike bukas, Oct. 19 appeared first on News Patrol.
Isa pa uling big time oil price hike bukas, Oct. 19
Source: Trending Filipino News
0 Comments