Covid-19 cases sa bansa, nananatiling mas mababa sa 7,000 sa magkasunod na dalawang araw

Nananatiling mas mababa sa pitong libong kaso ang naitalang Covid-19 cases sa bansa sa loob ng dalawang magkasunod na araw.

Ngayong araw, October 18, nakapagtala ang Department of Health ng 6,943 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Umakyat naman sa 2,727,286 ang kabuuang bilang ng nagkasakit sa bansa dahil sa virus.

Mayroon namang naitalang 19,687 na gumaling at 86 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.5% (68,832) ang aktibong kaso, 96.0% (2,617,693) na ang gumaling, at 1.49% (40,761) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 16, 2021.

Mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Bagama’t bumababa ang mga kaso ng COVID-19 na naiiuulat nitong mga nakaraang araw, nagpapaalala ang DOH na huwang maging kampante, patuloy na sumunod sa minimum public health standards at magpabakuna.

Samantala, ayon pa rin sa Department of Health (DOH), mayroong 633 na natukoy na Delta variant cases, 3 ang Alpha at 6 ang Beta variant cases mula sa na-sequenced na kaso ng Philippine Genome center noong October. 16.

Naitala naman ang 962 o 5.61 percent na mga international travelers mula sa huling batch ng samples ang na-sequence nitong October 16.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mula sa 17 rehiyon at NCR ay mayroon nang nakitang Alpha, Beta at Delta variant cases .

Sa lahat ng lungsod at munisipalidad naman sa NCR ay nakita na rin ang mga variant of concern.

Ang 645  na ROFs  samples na na-sequenced ay nag-positibo naman sa variant of concern.

(with report from Jocelyn Domenden)

The post Covid-19 cases sa bansa, nananatiling mas mababa sa 7,000 sa magkasunod na dalawang araw appeared first on News Patrol.



Covid-19 cases sa bansa, nananatiling mas mababa sa 7,000 sa magkasunod na dalawang araw
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments