(Photo: Pilo Hilbay twitter)
Nag-resign na si dating Solicitor General Florin “Pilo” Hilbay mula sa partido ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.
Ang kanyang rason—mas pinili niya kasing i-endorso si Vice President Leni Robredo bilang presidente sa 2022.
Si Hilbay ay tumakbong senador noong 2019 sa ilalim ng Aksyon Demokratiko bilang parte ng opposition coalition. Ito rin ang partidong sinuportahan noon ni Robredo na ngayon ay binabatikos naman ni Isko.
Sabi ni Hilbay, aalis siya sa Aksyon Demokratiko hindi para sumapi sa ibang partido kundi dahil na rin sa “ethical considerations.”
“Because I intend, as an ordinary citizen, to publicly support her campaign, I must resign from the only political party I have ever joined,” dagdag pa niya.
Una nang tinawag ni Domagoso si Robreredo na “fake leader with a fake color” pagkatapos umano nitong magdesisyong tumakbo bilang independent candidate kahit siya pa ang kasalukuyang chairman ng Liberal Party.
Ginamit pa ni Mayor Isko ang mga nakaka-insultong salita gaya ng “yellowtards” (yellow retards) at “inidoro” laban kay Robredo at sa kanyang mga taga-suporta sa isang press conference.
Ayon naman kay Hilbay, si Robredo ay ang uri ng presidente na haharapin ang problema ng bansa hindi sa pamamagitan ng “publicity stunts” para lang ma-manipula ang mga Pilipino, kung hindi para magbigay ng “honest-to-goodness attempts at solutions.”
“We do not need more of the same, or even less of the same,” dagdag pa niya.
“We can’t afford another narcissistic, gaslighting troll for a president. A candidate who wakes up only during campaigns is no leader, and we can’t have another absentee president,” sabi pa ni Hilbay.
(NP)
The post Dating Solgen Florin Hilbay, kumalas sa sariling partido para i-endorso si VP Leni appeared first on News Patrol.
Dating Solgen Florin Hilbay, kumalas sa sariling partido para i-endorso si VP Leni
Source: Trending Filipino News
0 Comments