Pilipinas, gagawa ng sariling formula ng Ivermectin ayon sa DOST

Gagawa ang Pilipinas ng sariling formula ng Ivermectin.

Pangungunahan ito ng grupo ng Department of Science and Technology (DOST).

Ito ang sinabi ni DOST Undersecretary for Research and Development (R&D) Rowena Cristina Guevara.

Ayon pa kay Guevara, ang University of the Philippines (UP) Manila College of Pharmacy ang magpo-formulate ng sariling anti-parasitic drug ng Pilipinas.

Ito ay para hindi na bumili ang bansa ng kontrobersyal na anti-parasitic drug na itinutulak ng ilang mga sektor para gamiting panlunas sa COVID-19.

“Ito ang nadesisyunan ng team, yung Ivermectin capsule ay sa University of the Philippines (UP) Manila College of Pharmacy gagawin, hindi na kami bibili ng regular na formula kasi gusto namin may sarili kaming dosage,” ayon kay Guevarra sa interview ng DZBB.

Dagdag pa ni Guevarra, ang pagkakaantala ng international clinical trial ng Ivermectin ang nagtulak sa kanila para umabot sa ganitong desisyon.

Isa ang Pilipinas sa mga bansang kasali sa nasabing pag-aaral tungkol sa bisa ng Ivermectin laban sa COVID-19.

“Yung clinical trial management system has been established with the UP Diliman College of Engineering, ang (the) study site sa National Capital Region –Ateneo, De La Salle, UP Diliman, and the Makati Science High School  quarantine facilities,” sabi pa ni Guevara.

“Also, magre-recruit sa Region 2 and Region 11. The target in patient recruitment is within October. And Preliminary result is expected by end-December,” dagdag pa niya.

Ang Ivermectin ay naging kontrobersyal dahil na rin sa pagtutulak ng ilang pulitiko at doktor na gamitin ito.

Pero iginigiit naman ng Department of  Health (DOH) na wala pang sapat na ebidensya o pag-aaral para masabing epektibo ito bilang gamot laban sa Covid-19.

 

(Toni Tambong)

The post Pilipinas, gagawa ng sariling formula ng Ivermectin ayon sa DOST appeared first on News Patrol.



Pilipinas, gagawa ng sariling formula ng Ivermectin ayon sa DOST
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments