SWS: Mahigit kalahati ng populasyon, mas hirap sa buhay ngayon

Mahigit kalahati o 57% ng mga Pilipino ang nagsabing lumubha ang lagay ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na isang taon, base sa Social Weather Station survey.

Sa September 2021 survey, lumabas na  57% ng adult Filipinos ang naniniwalang sumama pa lalo ang lagay ng kanilang pamumuhay, habang 13% lang ang nagsabing guminhawa.

29% naman sa mga ito ang hindi nakakita ng pagbabago sa kanilang buhay.

Dahil dito ay mas nabawasan ang net gainers score sa -44 mula sa -31 na score na naitala noong Hunyo.

Maikukunsiderang ‘extremely low’ ang net gainers score sa buwan ng Setyembre ayon sa SWS.

‘Catastrophic’ naman ang net gainers score sa Metro Manila na mula sa -30 noong Hunyo ay nasa -50 na ngayon.

(Toni Tambong)

The post SWS: Mahigit kalahati ng populasyon, mas hirap sa buhay ngayon appeared first on News Patrol.



SWS: Mahigit kalahati ng populasyon, mas hirap sa buhay ngayon
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments