Queen Elizabeth II, nag-overnight sa ospital

Naospital ang 95 anyos na si Queen Elizabeth II ng United Kingdom (UK).

Ayon sa ulat ng Reuters, nag-overnight sa King Edward VII hospital sa central London si Queen Elizabeth base sa payo na rin ng kanyang medical team.

Kamakailan, pinayuhan ang reyna ng kanyang mga doktor na magpahinga mula sa kanyang mga royal at social duties, dahilan para ikansela ang kanyang official trip sa Northern Ireland nitong Miyerkoles.

“Following medical advice to rest for a few days, the queen attended hospital on Wednesday afternoon for some preliminary investigations, returning to Windsor Castle at lunchtime today, and remains in good spirits,” ayon sa pahayag na inilabas ng Buckingham palace.

Tiniyak naman ng kanyang medical staff na walang kinalaman sa COVID-19 ang kanyang karamdaman.

Ito ang unang beses sa maraming taon na na-ospital si Queen Elizabeth, ang pinakamatanda at longest-reigning na monarch ngayon.

Sa susunod na taon, gugunitain ni Quee Elizabeth ang kanyang ika-70 taon sa trono.

(NP)

The post Queen Elizabeth II, nag-overnight sa ospital appeared first on News Patrol.



Queen Elizabeth II, nag-overnight sa ospital
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments