’80s new wave band Duran Duran, may bagong album

(Photo credit: Duran Duran twitter)

Matapos ang apat na dekada, tuloy pa rin sa paggawa ng musika ang sikat na banda noong 80s na Duran Duran.

Ngayong Biyernes, Oct. 22, inilabas nila ang kanilang ika-15 album na “Future Past”.

Pangunahing track nito ang kantang “Anniversary” bilang paggunita sa kanilang 40 taon sa music scene.

“‘Anniversary’ is a song that kind of celebrates the time that we’ve been together as a band, but it’s also open to everybody and anything anyone might want to celebrate,” ayon sa band member na si John Taylor.

1978 nang unang buuin ni Taylor ang Duran Duran kasama ang keyboardist na si Nick Rhodes, drummer na si Roger Taylor at vocalist na si Simon Le bon.

Sumikat sila sa mga kantang “Girls on Film”, “Rio” at marami ang iba, at nanalo na nang mahigit 100 awards, kasama ang dalawa nilang Grammy.

Ang bagong album nilang Future Past ay bunga ng kolaborasyon sa producers na sina Erol Alkan at Giorgo Moroder, habang ang Blur guitarist na si Graham Coxon, Japanese punk band CHAI at rapper na si Ivorian Doll ay may kontribusyon din sa mga track ng album.

Sinimulan ng grupo ang pagbuo sa bagong Duran Duran album noong 2018 pero pansamantalang natigil ng 10 buwan nang magsimula ang pandemiya ng COVID-19.

Huling naglabas ng album ang Duran Duran noong 2015, ang “Paper Gods”.

(NP)

The post ’80s new wave band Duran Duran, may bagong album appeared first on News Patrol.



’80s new wave band Duran Duran, may bagong album
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments