Isla ng Camiguin, pwede na ulit ‘to come again’ ang mga turista simula Oct. 25

Sa muling pagbubukas ng Camiguin sa mga turista sa Lunes, Oktubre 25, 2021, naglabas nang alituntunin ang lokal na pamahalaan para sa mga bibisita sa isla.

Base sa executive order 114 ng Provicial Government, kailangan na fully vaccinated at mayroong negative RT-PCR result 72 hours mula nang ito ay makuha para sa mga manggagaling sa National Capital Region at 48 hours naman kung mula sa Visayas at Mindanao.

Kailangan din na mayroong proof of confirmed accommodation reservation sa hotel na tutuluyan at local government clearance naman kung sa bahay ng kamag-anak manunuluyan.

Papayagan naman na makapasok ang mga menor de edad basta kasama nila ang mga magulang na fully vaccinated na.

Kailangan din na mayoroong Clean Camiguin QR code bago makapasok sa Isla na maaring mai-download sa www.cleancamiguinqr.com

Paalala din ng local na pamahalaan na mayroong mga hand washing station sa mga checkpoints sa isla dahil mahigpit nilang ipinatutupad ang paghuhugas ng kamay bago makapasok sa isang munisipalidad.

Humingi ng pang-unawa ang local na pamahalaan sa mga turista na sundin ang mga covid19 protocols habang nasa Isla.

 

(Mores Heramis)

Photos: Mores Heramis

The post Isla ng Camiguin, pwede na ulit ‘to come again’ ang mga turista simula Oct. 25 appeared first on News Patrol.



Isla ng Camiguin, pwede na ulit ‘to come again’ ang mga turista simula Oct. 25
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments