(Vaccination ng mga bata sa Ospital ng Maynila. Courtesy: Manila PIO)
Sinimulan na ngayong araw, October 22, ang phase 2 ng roll-out ng vaccination para sa edad 12 hanggang 17 na may comorbidities.
Ginanap ang ceremonial program ng pediatric group vaccination sa Cardinal Santos Medical Center, Hospital ng ParaƱaque at Quezon City General Hospital.
Sa ngayon dalawamput-tatlo na ang mga ospital na kasama sa vaccination roll-out sa pediatric groups.
Nagsimula ang roll out ng phase 1 noong isang linggo kung saan nabakunahan ang may 1,509 na 15 hanggang 17 anyos na may comorbities.

(Vaccination ng mga bata sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan)
Sa Ospital ng Maynila, dumalo si Vice Mayor Honey Lacuna sa ceremonial vaccination.
Paliwanag ni Lacuna, lalong importante ang pagbakuna sa mga bata dahil sa napipintong pilot implementation ng face-face classes o in-person classes.
Nasa 100,000 ang populasyon ng mga edad 12 hanggang 17 sa Maynila, dagdag ni Lacuna.

(Vaccination ng mga bata sa Ospital ng Maynia. Courtesy: Manila PIO)
Online booking
Sa Quezon City naman, bukas na ang online booking para sa vaccination ng mga menor de edad sa pamamagitan ng QC VaxEasy website. Puwede ring magpatala sa mga barangay.
“[We] would like to assure everyone that the inoculation process for the children will be as smooth, if not better, as the ones we had for the adults,” pahayag ni QC Mayor Joy Belmonte.
Pfizer at Moderna vaccines ang gagamitin dahil ito ang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) para sa naturang age group.
Ang pediatric group ay bahagi ng Priority Group A3.
Kabilang sa comorbidities ay medical complexity, genetic conditions, neurologic conditions, metabolic at endocrine diseases, cardiovascular diseases, obesity, HIV infection, tuberculosis, chronic respiratory diseases, renal disorders, hepatobiliary diseases, at iyong mga immunocompromised.
(with report from Jocelyn Domenden)
The post Phase 2 ng vaccination ng mga edad 12 to 17, sinimulan na appeared first on News Patrol.
Phase 2 ng vaccination ng mga edad 12 to 17, sinimulan na
Source: Trending Filipino News
0 Comments