Amerika, ipagtatanggol ang Taiwan laban sa China ayon kay Pres. Biden

Ipagtatanggol ng Amerika ang Taiwan kung aatakihin ng China ang isla na sinasabing bahagi ng kanilang teritoryo.

Ito ang inihayag ni US President Joe Biden sa CNN town hall kahapon, Huwebes, Oct. 21.

“Yes,” sagot ni Biden sa tanong kung ipagtatanggol ang Taiwan.

“We have a commitment to that,” dagdag pa ni Biden.

Ang pahayag ni Biden ay may kinalaman sa long-held US policy na “strategic ambiguity,” kung saan ang Washington ay tutulungan ang Taiwan sa pagbuo ng depensa.

Ito rin ang naging pahayag ni Biden sa panyam ng ABC na iginigiit niyang ipagtatanggol ng Amerika ang mga kalyadong bansa kabilang ang Taiwan sa kabila ng pag-atras ng U.S. sa Afghanistan kamakailan.

Ayon pa kay Biden, ang Amerika ay gumawa ng sagradong kasunduan para depensahan ang NATO allies tulad ng Canada at Europe, maging ang Japan, South Korea at Taiwan.

(NP)

 

 

 

 

The post Amerika, ipagtatanggol ang Taiwan laban sa China ayon kay Pres. Biden appeared first on News Patrol.



Amerika, ipagtatanggol ang Taiwan laban sa China ayon kay Pres. Biden
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments