Proseso ng pagboto, inabot ng 40 minuto base sa voting simulation

(Photo Courtesy: Lente Philippines Twitter; voting simulation sa San Juan City noong October 23, 2021)

Umabot sa 40 minuto para makaboto ang isang botante.

Ito ang lumabas sa isinagawang voting simulation ng Commission on Elections (COMELEC) sa San Juan Elementary School noong October 23, Sabado.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang isinagawang simulation ay upang malaman ang proseso ng pagboto para sa May 2022 elections.

Kasama na rito kung gaano kabilis  ang mga botante na mahanap ang kanilang mga polling precint.

Hindi kasama sa voting simulation na masubukan kung gumagana ang mga vote counting machines  o VCM.

Nauna nang sinabi ng Comelec na kailangang mapabilis ang proseso ng pagboto upang hindi  magkumpulan ang mga botante sa loob ng polling precint bilang pagsunod na rin sa health protocols sa gitna pa rin ng banta ng COVID-19.

Umabot naman sa 4,000 volunteers mula sa iba’t ibang barangay ng San Juan ang lumahok sa voting simulation.

(Jocelyn Domenden)

The post Proseso ng pagboto, inabot ng 40 minuto base sa voting simulation appeared first on News Patrol.



Proseso ng pagboto, inabot ng 40 minuto base sa voting simulation
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments