(Photo: Dong Del Mundo)
Ikakasa ang pagbabakuna sa mga bata sa buong bansa sa October 29, ayon kay chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr.
Matatandaang naunang isinagawa ang pediatric vaccination pilot implementation sa National Capital Region kung saan binakunahan ang mga edad 12 hanggang 17 anyos na may comorbidity.
“We will be having a rollout of children’s vaccination to all LGUs [local government units] and we are very thankful that as of this moment, our vaccination for children has been rolled out in 17 different cities [and municipality] in NCR,” pahayag ni Galvez.
“[On] October 29, we will open up the rollout to LGUs including provinces and cities,” dagdag pa ng vaccine czar.
Sa ngayon, tanging Pfizer at Moderna lamang ang binigyan ng emergency use mula sa Philippines’ Food and Drug Administration (FDA) para sa pagbabakuna sa mga menor de edad.
“Ang ginawa natin noong una to make sure that the children are safe, ginawa natin doon sa ospital. But most of LGUs have a field to use [as] their vaccination site considering they already know how to react on adverse effects,” paliwanag ni Galvez.
“Lahat ng regions bibigyan natin especially those [which] have already more than 50 percent of their [target population] vaccination,” saad pa ni Galvez.
Samantala, umabot na sa 8,639 bata na may edad 12 hanggang 17 anyos na may comorbidities ang nabakunahan na laban sa COVID-19 hanggang kahapon, Oct. 24.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroon lamang apat na bata na nakaranas ng reaction.
“Kapag nakita po natin na mukha namang talagang maayos ang nagiging pagpapatupad natin, i-expand na po natin. I think parents have recognized the value of the vaccines,” pahayag ni Vergeire.
“So we are looking at that already, how we are going to expand in the coming weeks,” dagdag pa ni Vergeire.
Target aniya ng gobyerno na makapagbakuna ng 70% ng kabuuang populasyon sa December.
“Sa tingin namin, mukhang kaya nating gawin lahat ito para bumilis ang bakunahan, mas maraming maprotektahan dito sa ating bansa,” paliwanag pa ni Vergeire.
(Toni Tambong)
The post Pediatric vaccination sa buong bansa, ikakasa sa October 29 appeared first on News Patrol.
Pediatric vaccination sa buong bansa, ikakasa sa October 29
Source: Trending Filipino News
0 Comments