DOLE, may kambyo sa usapin ng “no vaccine, no work, no pay” policy ng ilang kumpanya

(File)

Mahigit 600,000 na o 35 percent ang bakunado sa sektor ng mga manggagawa, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa media forum ng “Balitaan sa Maynila,” sinabi ni Labor Secretary Silvestre  Bello III na higit sa 600,000 na ang mga mangaggawa na nakatanggap ng bakuna kontra COVID-19.

Nilinaw naman ng kalihim ang usapin tungkol sa “no vaccine, no work no pay” scheme.

Ayon kay Bello, hindi naman aniya maituturing na paglabag ang hindi mabayaran ng kumpanya o employer ang isang manggagawa dahil ito ay alinsunod sa IATF.

Paliwanag ni Bello, may ilang mga negosyo tulad ng restaurant, hotel, spa, gym, barber shop na pinapayagang magbukas sa  Metro Manila na nasa Alert Level 3  sa limitadong kapasidad lamang.

Nasa 30 percent lamang ang pinapayagang kostumer, pero dapat ay bakunado ang mga empleyado.

Sabi pa niya, hindi rin naman inaalis o tinatanggal ang isang empleyado na hindi bakunado kundi pinagpapahinga lamang o leave habang siya ay hindi pa nababakunahan.

Dagdag pa ni Bello, hindi rin maaaring pilitin ang mga manggagawa na ayaw magpabakuna.

(Jocelyn Domenden)

The post DOLE, may kambyo sa usapin ng “no vaccine, no work, no pay” policy ng ilang kumpanya appeared first on News Patrol.



DOLE, may kambyo sa usapin ng “no vaccine, no work, no pay” policy ng ilang kumpanya
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments