Natukoy pa ng Philippine Genome Center (PGC) sa huling batch ng ginawang restrospective sequencing ang nasa 651 pang mga variant of concern.
Sa media forum, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na mula sa 17,893 samples na nasequence ng PGC nasa 15,882 ang may lineage.
Kasama rito ang 746 samples na nakolekta noong March, April, September at Oct. 22.
Dahil dito, umabot na sa 104 ang Alpha variant case, 166 ang Beta variant case, meron 380 kaso sa Delta variant at isang kaso ng B.1.1.318 o ang binansagang Delta sub-variant na under monitoring base sa classification ng World Health Organization (WHO).
Matatandaan na ang B.1.1.318 (variant under monitoring) ay unang nakita sa Mauritius kung saan mayroon 120 kasong naitala.
Sa mga samples na nasequence ng PGC nasa 1,169 o 6.53 percent ang mga incoming international traveller .
Dahil sa karagdagang mga variant case, ang Alpha variant ngayon ay nasa 3,042; naitala ang 3479 para sa Beta variant at umabot naman sa 4,811 ang Delta variant case.
Ayon pa kay Vergeire, karamihan sa local case ng Alpha, Beta at Delta variant ay mula sa mga biyaherong dumating sa bansa.
(Jocelyn Domenden)
The post Isang kaso ng COVID-19 Delta sub-variant, natukoy ng Philippine Genome Center appeared first on News Patrol.
Isang kaso ng COVID-19 Delta sub-variant, natukoy ng Philippine Genome Center
Source: Trending Filipino News
0 Comments