Ilang kaalyado ni Mayor Sara, tanggap nang hindi na siya tatakbong presidente

(Photo courtesy: Mayor Inday Sara Duterte FB)

Naniniwala ang mga kaalyado sa pulitika ni Mayor Sara Duterte na “ship has sailed” para sa kanyang pagtakbo bilang presidente sa 2022 elections.

Ito ay matapos bisitahin ng alkalde ang Cebu nitong Biyernes, Oct. 22.

Sa pagbisita ni Mayor Sara sa Cebu, nagkita sila ni Governor Gwen Garcia at ang presidential aspirant na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Naunang sinabi ni Mayor Sara na opisyal ang pagpunta niya sa Cebu bilang guest speaker sa dalawang magkasunod na event, ito ang inagurasyon ng Liloan New Port at General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines-Cebu Chapter (LMP-Cebu).

Ang  pagbisita naman ni Bongbong Marcos ay para pagbubukas ng kanyang campaign headquarters sa Cebu.

“Nakausap ko po kasi si Governor Gwen Garcia para malaman kung ano talagang napag-usapan sa Cebu. Ang sabi po ni Governor Gwen sa akin isang sabi raw ni Mayor Sarah on her possibility  of running for president, ‘That ship has sailed’,” pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring tumakbong presidente si Mayor Sara sa darating na 2022 elections.

Si Mayor Sarah ang nangunguna sa pre-election survey para sa pagkapangulo ay nagrehistro ng kandidatura para muling tumakbong alkalde ng Davao City.

Ayon naman sa mga analyst, maaari pang humabol si Mayor Sara sa pagtakbo bilang pangulo dahil ang substitute candidate ay hanggang November 15.

(NP)

 

 

The post Ilang kaalyado ni Mayor Sara, tanggap nang hindi na siya tatakbong presidente appeared first on News Patrol.



Ilang kaalyado ni Mayor Sara, tanggap nang hindi na siya tatakbong presidente
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments