Nakatakdang makipagkita si Labor Secretary Silvestre Bello III sa kanilang mga counterpart mula sa Saudi Arabia kasunod ng banta ng total deployment ban ng Filipino migrant workers sa naturang bansa.
Ayon sa kalihim, ginawa nito ang banta matapos na hindi payagan ng isang retiradong Saudi general ang tatlong Pilipinong manggagawa na makabalik ng bansa.
“Sabi ko, ‘pag di mo pinauwi yan, deployment ban. Siguro nagalit ang hari sa kanya. Pinauwi niya yung tatlo,” pahayag ni Bello sa TeleRadyo.
Dagdag pa ni Bello, kinokonsidera rin nito ang total workers’ deployment ban sa mga bansa sa Middle East.
Ito ay kapag ang mga employer sa Saudi Arabia ay hindi pa babaayaran ang sweldo at ang end-of-services pay ng mahigit sa 9,000 Filipino workers.
“Nalaman ng counterpart ko sa Kingdom of Saudi Arabia, nag-request siya ng meeting,” pahayag ng kalihim.
Sinabi ng kalihim na makikipagkita siya sa kanilang counterpart sa Saudi Arabia bago ang Asia at Middle East Labor Ministers Meeting sa Dubai.
Matatandaang nagpatupad na ng deployment ban ang DOLE sa Saudi Arabia noong Mayo matapos na makatanggap ng ulat na nire-require ng employers o foreign recruitment agencies sa mga OFWs na sagutin ang kanilang gastos kaugnay sa COVID-19 health and safety protocols.
(Jocelyn Domenden)
The post DOLE: Deployment ban ng mga OFW sa Saudi Arabia, posibleng ipatupad appeared first on News Patrol.
DOLE: Deployment ban ng mga OFW sa Saudi Arabia, posibleng ipatupad
Source: Trending Filipino News
0 Comments