Aalisin na ng Department of Tourism ang confirmatory swab test para sa mga fully vaccinated na bisita sa isla ng Boracay.
Ito ay kapag nabakunahan na ang 100 porsyento ng tourism workers ng isla sa November.
Sa ngayon kasi, ayon sa DOT, na nasa 91.09 percent ng tourism worker at 62.78 porsyento ng 24,451 eligible population ang nabakunahan na sa Boracay.
Dagdag pa ng DOT, nasa 11,668 ang kabuuang bilang ng tourism worker na fully vaccinated na.
Sa Western Visayas naman ay nakapagtala ng 63.26 percent ng nabakunahang tourism worker hanggang October 21.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, nangako si Aklan Gov. Florencio Miraflores na tatanggap ng mga bisitang may pruweba ng full vaccination sa halip na RT-PCR test kapag fully vaccinated na ang mga residente ng isla.
“We believe that with the 100 percent inoculation of the island’s workers, the confidence of more Filipinos to travel will be restored, and that the island will be back on its feet sooner than anticipated,” sabi pa ni Puyat.
Samantala, ayon sa DOT, nasa 6,702 turista ang bumisita sa Boracay nitong September at 17,995 sa unang tatlong linggo ng October simula nang alisin ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa isla.
“More than the foregone revenue, the DOT is deeply concerned with the impact of the pandemic on the employment of the island’s workers who either have been laid off or are now working on irregular work schedules,” sabi ni Puyat.
Ayon naman sa datos ng DOH, 25.1 milyong indibidwal na ang nababakunahan sa Pilipinas habang 29.3 milyon na ang nakatanggap ng first dose. Nagsimula ang pagbabakuna sa bansa noong March 1.
Sa kabuuan, nakapagtala ng 2,756,923 confirmed COVID-19 cases sa bansa hanggang noong October 24.
Ang kasalukuyang aktibong kaso naman ay nasa 60,957 ayon pa sa health department.
(Toni Tambong)
The post Boracay, wala nang swab test kung 100percent bakunado na ang tourism workers sa isla appeared first on News Patrol.
Boracay, wala nang swab test kung 100percent bakunado na ang tourism workers sa isla
Source: Trending Filipino News
0 Comments