Presyo ng karneng baboy, posible pang mas tumaas dahil sa oil price hike

Nagbabala ng taas-presyo sa karneng baboy ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).

Ang taas-presyo ay bunsod ng sunod-sunod na pagtaas ng produktong petrolyo, ayon kay SINAG President Rosendo So sa panayam ng ABS-CBN TeleRadyo ngayong Huwebes, October 28.

“Sa tingin ko, tataas pa ‘yan. This coming week baka another P20. So, P40 itong buwan na ito,” babala ni So.

Dahil dito, humiling ang grupo na kung maaari ay tanggalin na ang taripa upang bumaba ang presyo ng petrolyo. Sa ganoong paraan ay mapipigilan rin ang pagtaas sa presyo ng iba pang mga produkto sa merkado.

“Kung tatanggalin ito, hindi lang ‘yung magbababoy, ‘yung mga farmers, pati ‘yung mga consumers at mga nagta-transport ng food,” dagdag pa ni So.

Matatandaan na noong Mayo 2020 ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 113 kung saan tinataasan nito ang taripa ng 10% sa mga produktong petrolyo.

(Toni Tambong)

The post Presyo ng karneng baboy, posible pang mas tumaas dahil sa oil price hike appeared first on News Patrol.



Presyo ng karneng baboy, posible pang mas tumaas dahil sa oil price hike
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments