(Photo Courtesy: Merck & Co thru PTV FB)
Nakatakdang dumating sa bansa ang unang batch ng oral Covid-19 anti-viral drug na Molnupiravir sa November.
Ito ang sinabi ng Philippine healthcare products importer na MedEthix.
Ang Molnupiravir ay ginawa ng Ridgeback Biotherapeutics LP and Merck & Co. na maaaring inumin ng pasyente na nagpapakita ng Covid-19 symptoms at positibo sa virus.
Ayon pa sa kumpanyang Merck, lumabas sa isang pag-aaral nila ngayong buwan lamang na ang molnupiravir ay nakatulong para hindi na maospital at nakaiwas din sa pagkamatay ang nasa 50 percent na Covid-19 patients na kanilang sinuri.
Ang nasabing unang batch ng shipment ng oral antiviral drug ay para sa mahigit 300,000 COVID-19 patients sa Pilipinas.
Sa bisa ng Compassionate Special Permit (CSP), magagamit na ang Molnupiravir sa 31 na ospital ayon sa Food and Drug Administration (FDA).
Ayon sa Filipino company na MedEthix noong Miyerkules, October 27, sisimulan ito sa mga ospital na mayroong compassionate special permits (CSPs).
Sa isang press conference, sinabi ni MedEthix co-founder Monaliza Salian na sapat para sa 300,000 COVID-19 patients ang dami ng mga nakaabang na order.
“A breakthrough drug is coming as MedEthix will launch the first Molnupiravir in the country within November, and that’s already next month,” sinabi ni Salian.
Dagdag pa ni Salian, ang mga ospital na may CSP ay maaari nang magreseta ng Molnupiravir sa mga pasyente nito, kung mabibigyan na ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration.
“The CSP applicant doctors or the associations, the hospitals, will dispense molnupiravir to the patients with the description. So we will just confine ourselves with whatever is the requirement of the FDA,” dagdag pa niya.
Samantala, sinabi naman ng Medicines Patent Pool (MPP) na nakipagkasundo na ito sa Merck at sa Ridgeback Biotherapeutics para payagan ng U.S drugmaker na bigyan din ng lisensya o permiso ang ibang kumpanya na mag-manufacture ng Molnupiravir.
“This agreement will help create broad access for molnupiravir use in 105 low- and middle-income countries following appropriate regulatory approvals,” ayon sa pahayag ng Merck at ng patent poo sa isang news release.
Sa inisyal na pagtataya ng MedEthix, ang Molnupiravir ay magkakahalaga ng P130 hanggang P150 bawat capsule kung gagamitin na sa bansa.
(Toni Tambong)
The post Unang batch ng oral Covid-19 anti-viral drug na Molnupiravir, darating sa bansa sa November appeared first on News Patrol.
Unang batch ng oral Covid-19 anti-viral drug na Molnupiravir, darating sa bansa sa November
Source: Trending Filipino News
0 Comments