(Image courtesy: NASA release)

Posibleng nadiskubre ng mga scientist ang unang planeta sa labas ng ating Milky Way galaxy.

Ang hinihinalang planeta ay nadiskubre ng NASA Chandra X-ray Observatory sa Messier 51 galaxy (M51) na posibleng 28 million light years ang layo mula sa Earth, ayon sa NASA release.

Mahalaga ang discovery na ito dahil lahat ng planetang nadiskubre bago ito ay nasa loob ng Milky Way galaxy na may layong 3,000 light years mula sa ating planeta.

Ang hinihinalang bagong planet ay isang ‘exoplanet’ dahil nasa labas ito ng ating solar system. Hindi ito umiikot sa ating araw, at sa halip ay nag-o-orbit sa ibang bituin.

“We are trying to open up a whole new arena for finding other worlds by searching for planet candidates at X-ray wavelengths,” ayon kay Rosanne Di Stefano mula sa Harvard & Smithsonian sa Massachusetts, isa sa namumuno sa pag-aaral.

(Composite image ng M51 galaxy. Image courtesy: NASA release)

Subalit matagal pa bago makumpirma ng researchers kung ito nga ay isang extragalactic exoplanet.

“Unfortunately to confirm that we’re seeing a planet, we would likely have to wait decades to see another transit,” ayon kay astrophysicist Nia Imara ng University of California at Santa Cruz.

Ang mga pag-aaral na ito ay magbibigay-daan sa pagtukoy ng marami pang posibleng exoplanets sa malalayong galaxy.

(NP)

The post Posibleng unang planeta sa labas ng ating Milky Way galaxy, nadiskubre ng NASA appeared first on News Patrol.



Posibleng unang planeta sa labas ng ating Milky Way galaxy, nadiskubre ng NASA
Source: Trending Filipino News